Kaibigang
OFW, kamusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Kamusta na ang hinahanap nating magandang buhay
para sa ating pamilya o mga mahal sa buhay? Nawa ay wag kang mag
sawang mag sakripisyo para sa iyong mga mahal sa buhay, magiging
maayos din ang lahat, konting Skype, Facebook, Viber tapos ang
pangungulila mo. Ngunit isipin mo ito kaibigan, napaka swerte mo
dahil maraming paraan upang magkaroon ka ng komunikasyon sa iyong mga
mahal sa buhay, hindi tulad dati na sulat o voicetape ang paraan na
inaabot ng isa hanggang dalawang buwan bago makarating.
Sabi
nila halos lahat ng OFW ang dahilan ng pagtatrabaho sa ibang bansa ay
ang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya. Ngayon
tanungin mong muli ang iyong sarili kung iyon pa rin ang iyong
adhikain, kung OO ang sagot mo ikaw ay isang tunay na bayani, di lang
sa iyong pamilya kundi ng iyong bansa, saludo ako sa iyo kaibigan.
Marami
na rin ang nakapag sabi sa akin na meron daw tayong mga kababayang
naliligaw sa landas, na pag dating sa ibang bayan e sampung taon ng
nagtatrabaho sa ibang bansa pero tatlong beses pa lang nag papadala,
nag bubuhay binata o dalaga. Kaibigan ano ang nangyari? Di ho ba para
sa pamilya? O may ibang pamilya na ba?
OFW,
malaya... masarap... mahirap... Malaya dahil pinagkakatiwalaan ka ng
awasa, nobya/nobyo, magulang at higit sa lahat ng mga anak mo.
Masarap dahil kapag nakapag bibigay ka ng ligaya sa iyong pamilya...
Dahil ginugugol mo ang buhay mo para mabigyan ng maganda kinabukasan
ang iyong mga mahal sa buhay.
Sa
kabilang banda... Payo para sa mga OFW na naliligaw ang landas. nawa
ang pinili mong landas ay makakapag paligaya sa iyo habang buhay,
ngunit iyong tanggapin ang mga kalalabasan ng iyong mga aksyon. Ating
tandaan na walang tumatagal magpakailanman, pero ang iyong pangalan
at imahe ay mananatili kahit patay ka na. Hindi pa huli para tahakin
ang tamang landas.
Maraming salamat po sa inyo.
#bagongbayani
Maraming salamat po sa inyo.
#bagongbayani
No comments:
Post a Comment